Wednesday, 29 July 2020

Ano ang parusa sa mga mahuhuling nagmamaneho ng lasing sa Taiwan?

Posted By: Rex - July 29, 2020

Share

& Comment

Ang Taiwan ay isang bansang kilala sa mahigpit na pagpapatupad ng mga batas at alituntunin. Ito ang dahilan kung bakit ang mga Taiwanese ay kilala sa buong mundo bilang mga

Isa sa mga mahigpit na ipinatutupad na regulasyon sa Taiwan ay ang pagbabawal sa pagmamaneho ng lasing ng alinmang uri ng sasakyan,

Ang sinumang migrant worker na mahuhuling nagmamaneho ng lasing ay huhuliin at makukulong ng hanggang dalawang buwan, o dili kaya ay pagbabayarin ng kaukulang multa ng hindi bababa sa NT$60,000 (P100,000.00) at hindi hihigit sa NT$200,000 (P340,000.00).

Ang pagbabayad ng karampatang multa ay hindi mangangahulugan na tapos na ang aberyang kinakaharap para sa lumabag na migrant worker sapagkat may iba pang kaakibat na kaparusahan ito.

Ipapaalam din ng local court ng Taiwan sa Ministry of Labor ang nagawang violation ng migrant worker upang kanselahin ang kanyang working permit. Pagkatapos noon ay ang agarang pagsusupende sa kanyang residence permit/visa at ang kanyang agarang pagpapauwi pabalik sa Pilipinas o ang tinatawag na deportation.

Mangangahulugan din na ang sinumang migrant worker na lumabag sa patakarang bawal magmaneho ng nakainom ay maaaring ma-blacklist sa bansang Taiwan at hindi na siya makakatapak pang muli sa bansang ito para magtrabaho bilang OFW o mamasyal man bilang turista.

Kaya sa ating mga kababayang OFW ng Taiwan, lagi natin isaalang-alang ang paala-alang don’t drink if you drive!

 


About Rex

Techism is an online Publication that complies Bizarre, Odd, Strange, Out of box facts about the stuff going around in the world which you may find hard to believe and understand. The Main Purpose of this site is to bring reality with a taste of entertainment

0 comments:

Post a Comment

Copyright © BrownmanOverseas™ is a registered trademark.

Designed by Templateism. Hosted on Blogger Platform.