Wednesday, 29 July 2020

Maaari bang gamitin ng babaeng may asawa na ang kanyang apelyedo sa pagkadalaga sa kanyang pasaporte?

Posted By: Rex - July 29, 2020

Share

& Comment




Pinapayagan ng ating batas na ang isang babaeng may asawa na ay maaari pa rin niyang gamitin ang kanyang pangalan sa pagkadalaga o maiden name sa kanyang pasaporte. Ang Department of Foreign Affairs din ay nagbibigay ng pahintulot sa mga babaeng may asawa na at nag-aaplay ng pasaporte SA UNANG PAGKAKATAON na gamitin ang kanyang maiden name sa kanilang Philippine passport. Hindi required ang aplikante na gamitin niya ang apelyedo ng kanyang asawa.

Sa pagpapa-renew naman ng pasaporte, maaaring gamitin ng babaeng may asawa na ang apelyedo ng kanyang mister o kaya ay patuloy niyang gagamitin ang kanyang apelyedo sa pagkadalaga. Kapag pinili niyang gamitin ang apelyedo ng kanyang asawa sa kanyang bagong pasaporte ay kinakailangang magsumite siya ng authenticated copy ng kanyang Certificate of Marriage. Pero kung nais naman niyang ipagpatuloy na gamitin ang kanyang maiden name sa kanyang bagong pasaporte ay pinapahintulutan naman ng DFA.

Samantala, kapag nagamit na ng babaeng may asawa na ang apelyedo ng kanyang mister sa kanyang pasaporte, hindi na niya maaaring ibalik pa sa kanyang bagong pasaporte ang apelyedo niya sa pagkadalaga, maliban na lamang sa mga sumusunod na sitwasyon:

1.Namatay na ang kanyang mister;

2. Nagkaroon ng divorce sa kanilang kasal; 

3. Nagkaroon ng annulment sa kanilang kasal; 

4. Nagkaroon ng declaration of nullity ang kanilang kasal.

Ating binigbigyan-diin na hindi maaaring mapalitan ang pangalan na iyo nang ginamit o kaya ay bumalik ka sa paggamit ng iyong apelyido sa pagkadalaga kahit pa matagal na kayong hiwalay ng iyong asawa, maliban na lamang kung legal na mapapawalang-bisa ang inyong kasal at makakapag-presenta ka ng angkop na desisyon na ipinalabas ng hukuman, o kung makapag-presenta ka ng kanyang death certificate kung sakaling pumanaw na ang iyong asawa. Ito ay alinsunod sa panuntunan na ipinahayag ng ating Korte Suprema sa kasong Remo vs. The Honorable Secretary of Foreign Affairs (G.R. No. 169202, March 5, 2010, Ponente: Honorable Associate Justice Antonio T. Carpio)

[References: Republic Act No. 8239, also known as the Philippine Passport Act of 1996; Remo vs. Secretary of Foreign Affairs, G.R. No. 169202, 5 March 2010; In re Petition for Habeas Corpus of Willie Yu vs. Defensor-Santiago, G.R. No. L-83882, 24 January 1989]


About Rex

Techism is an online Publication that complies Bizarre, Odd, Strange, Out of box facts about the stuff going around in the world which you may find hard to believe and understand. The Main Purpose of this site is to bring reality with a taste of entertainment

0 comments:

Post a Comment

Copyright © BrownmanOverseas™ is a registered trademark.

Designed by Templateism. Hosted on Blogger Platform.