Ang pagmamaneho ng motorsiklo at iba pang uri ng sasakyan dito sa Taiwan, gaya sa Pilipinas at sa iba pang bansa, ay mangangailangan ng isang valid driver’s license na tanging ang Taiwan government lamang, sa pamamagitan ng Taiwan Motor Vehicle Office (TMVO), ang nagi-issue nito.
Narito ang pamamaraan kung papaano mabigyan ng driver’s license ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nagnanais magmaneho ng anumang uri ng sasakyan dito sa Taiwan:
1. Ang aplikante ay kinakailangang ARC holder;
2. Pumunta sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) para iproseso ang isang Special Power of Attorney o SPA- Ang SPA ay isang klase ng dokumento na magbibigay pahintulot sa isang indibidwal sa Pilipinas na ayusin at kumuha ng mga kinakailangang requirements sa LTO, DFA at TECO;
3. Dalhin sa inyong pagpunta sa MECO ang mga sumusunod na dokumento:
- Valid ARC card (original copy at 3 photocopies)
- Valid Philippine passport (original copy at 3 photocopies ng bio/data page)
- Valid driver’s license na na-issue ng LTO sa Pilipinas;
4. Maghanda ng halagang NT$1,000 para sa notarial fees. (Kung nais na makuha agad ang SPA, maagang pumunta sa MECO para magpaproseso at magbayad ng karagdagang expedite fees sa halagang NT$200)
5. Ipadala ang notarized SPA sa inyong appointed representative sa Pilipinas para iproseso ang mga kinakailangang dokumento.
6. Ang inyong authorized representative o attorney-in-fact ay pupunta sa Land Transportation Office (LTO) sa Pilipinas upang kunin ang CERTIFICATION ng inyong valid driver’s license gamit ang SPA na inyong pinirmahan. Huwag kalimutang ipakita ang SPA sa LTO para maibigay ang wastong dokumentong kinakailangan.
7. Dadalhin naman ng inyong authorized representative o attorney-in-fact ang mga dokumentong galling sa LTO papunta sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang ang mga ito ay ma-authenticate doon. Matapos maproseso sa DFA, dalhin ng inyong authorized representative o attorney-in-fact ang mga dokumento sa Taiwan Economic and Cultural Office (TECO) para muling ma-authenticate.
8. Kapag naayos na ng inyong authorized representative ang mga kinakailangang dokumento, ipadala ang mga ito sa iyo para maisumite sa Taiwan Motor Vehicle Office (TMVO) at mabigyan ka ng Taiwan driver’s license.
0 comments:
Post a Comment